Saturday, January 8, 2011

First Time Niyo?

Tuwing pumapasok kami ng gay pals ko sa isang gay bar (o macho dancer bar), medyo naiirita ako kapag tinatanong kami ng mga receptionist ng -- "First time niyo?"

Sa loob-loob ko, "Di niyo kami kilala? Kami ang mga diyosang regular customers ng bar na ito!"

Syempre, hindi na nagmamaganda ang mga vakels at babaeng vakels, at sumasagot na lang ng "hindi, nakapunta na kami dati."

Kung first time kasi ng customer sa isang gay bar, may maliit na seremonyas pang sandaling mangyayari bago makapasok:

1. Itatanong kung may camera o camera phone sa bag. Dapat kasing i-surrender muna ang mga ito sa reception bago makapasok.
    > Syempre, baka kasi may hidden cam na kukuha ng mga videos at ipapalabas sa mga expose at investigative shows. Worse, baka sa youtube pa lumabas. Nangyayari lang ata ito sa isang bar, ngunit hindi ko alam kung may ganitong policy rin sa ibang bar sa QC.

2. Mag-a-assign ang receptionist ng isang bading na floor manager sa grupo ninyo (kadalasang mga tranny sila).
   > Ang floor manager kumbaga ang magiging "mamasan" ninyo sa bar. Siya rin ang kakausapin niyo kung mayroon kayong gustong i-table na lalake. Siya rin ang mangungulit sa iyo buong gabi na kumuha ng isang lalaki.
   > Tip: Alalahanin ang pangalan ng bading na manager. Siya ang "password" mo (o pangalan na iyong i-name drop) sa susunod na punta niyo sa bar.

Siguro, ginagawa itong maliit na seremonyas na ito para sa proteksyon na rin ng mga bar at mga nagtatrabaho rito. Malay mo nga naman, maaaring yung bagong customer na dumating ay grupo pala ng mga pulis na naka in-disguise na nag-ba-bading-badingan, upang makahuli kung may hubarang mangyayari bago sila mag-raid. Pero, dont worry! Sa dalas ng punta namin sa gay bar, wala pang ni-isang raid ang nagaganap. So maliit lang din ang posibilidad na ma-raid ang bar kung pupunta kayo. May mga dahilan kung bakit, pero hindi iyon ang paksa natin ngayon.

So kahit na tinatanong pa rin kami minsan kung first time namin sa bar, buti na lang pala, hindi pa nila kami gaanong namumukaan kahit ilang beses na kaming umikot sa gay bar circuit. Proteksyon na rin sa akin, para sa isang hindi pa gaanong "out" tulad ko (charing, ang patron ng gay bar, hindi pa raw out?).


GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com; Follow at twitter: @gbgoer

No comments:

Post a Comment

Feel free to share what you think