Sunday, July 8, 2012

What's Sulit, Mama?

Humiga na ako sa maliit na kama sa ikalawang palapag ng massage parlor. Parang walang ibang customer dahil medyo tahimik. O siguro malakas lang ang background music mula sa speaker. Hindi spa, Zen-ish relaxing music ang tugtog. Love Radio ata, at isang 90s Tagalong love song ang pinapatugtog. Parang nasa gay bar lang din ako, ngunit sa gabing iyon, sa massage parlor o sha-sha ako nagdesisyong magpunta.

Inantay kong dumating ang napili kong si Andrew*. Sa walong sha-sha boys na available noong gabing yun, isa na siya sa mga papasa na sa aking standards, na binabaan ko na noong gabing iyon. Payat, moreno, 5"6', spikey hair. Pwede na nga ito, kumpara sa mga ilang mestizohing nauupo ko sa macho dancing gay bar. 

Nang pumasok siya sa maliit na silid, hininaan na niya ang ilaw. Hinubad niya ang t-shirt nyang saplot. Tinanggal ang sapatos at medyas. Binaba na ang pantalon. Lumuhod na siya sa paanan ko, habang ako'y nakadapa't nakapikit. Narinig ko na lang ang squirt-squirt ng bote ng cheap milky lotion sa kamay nya, at sinimulan na ang masahe.

(medyo NSFW ang susunod na kwento. slight lang.)


"Ano po ulit ang pangalan niyo?" tanong ni Andrew. Sagot naman ako, gamit ang pangalang binibigay ko sa sha-sha man o sa macho dancer. Nagtanong ulit siya, na sinagot ko naman. Edad. Tirahan. Trabaho (fake lang sinagot ko). Napansin niya atang naengganyo ako sumagot sa anumang tanong niya, kaya't tuloy-tuloy na siya sa pagtanong.

"Matagal na po kayo nagpupunta rito?" 

"Hindi naman. Mga pangatlo o pang-apat na beses ko pa lang." Hindi ko na rin maalala kung pang-ilan na nga, pero gusto kong malaman niyang hindi ako first timer para hindi niya ako lokohin.

"Ah ganun po ba? Hindi ko kasi kayo nakikita," sagot niya. Sa isip ko, buti naman. Hindi pala maituturing na regular ako dito, kahit na nanggaling ako rito noong nakaraang linggo lang. Ngunit sa tatlo o apat na beses kong pagpunta, hindi ko rin siya naalala. Siguro madalas siyang mag home service. O maaaring nakukuha na siya sa bawat punta ko. Mabuting tanungin ko siya tungkol dito.

"Hindi nga rin kita maalala e. Bago ka lang ba rito?"

"Opo," (na kadalasan naman nilang sagot). "Mga isang buwan pa lang ako dito." 

"Talaga? E bakit nung mga huling punta ko, hindi kita nakikita."

"Hindi po kasi ako madalas pumasok dito e." 

"Bakit naman?" naitanong ko, kahit na hindi ito ang unang beses na narinig ko ito sa isang lalaking easy-money ang trabaho. 

Walang sagot.

Siguro hindi lang niya ako narinig dahil na rin sa lakas ng pagkanta ni Eric Santos sa radyo. Nasa likod ng mga binti ko na siya nagmamasahe. Inulit ko ang tanong.

"Bakit ka naman hindi madalas pumasok?"

"Ano po, kasi." Hesitation. "Quiet na lang po kayo, kung pwede."

"Sige."

Naramdaman ko ang paglapit ng katawan niya sa likod ko, at ang ulo niya sa may tenga ko. Bumulong siya. "Dalawa po kasi trabaho ko. Pumapasok din po kasi ako sa gay bar."

Gay bar! Magic words sa tenga ni GB Goer. Ngayon ko lang narinig ang isang masahistang macho dancer din. Gusto ko malaman ang kwento niya. "Saang gay bar ka naman pumapasok?" usisa ko, na kunwari hindi ako ganoong ka-interesado.

"Diyan sa may F4* sa Quezon City."

Ah, yung bagong MD bar. Hindi ba't may sikat na massage parlor doon sa tabi nito? Naalala ko nga ang unang punta ko sa bar na yun. Isang gabi ng kahayukan, katatapos ko lang magpamasahe sa H, napagpasyahan kong uminom muna kahit isa o dalawang beer sa bagong bukas na MD bar bago umuwi.

"Nakapunta na ako doon," ika ko. "Merong big night noon. Fashion show ng mga lalaking taga-labas, na see-through na bikini ang suot. Hindi ko naman masyado napansin mga macho dancer na hindi masyadong pinasayang. Parang hindi naman kita nakita."

"Madilim po siguro kaya hindi niyo ako nakita." Tumuloy na siya sa pagmasahe sa likuran ko, habang nakaupo siya sa aking puwitan.

"Paano ka nakapagtrabaho sa dalawang lugar nang sabay?"

"Minsan po nandito ako. Minsan nasa bar, lalo na pag Biyernes o Sabado."

"Buti hindi ka pinagbabawalan ng bar o spa?"

"Hindi naman po nila alam."

"Nakakatakas ka?"

"Hindi naman po kasi mahigpit. Pwede naman mag absent mga dalawa o tatlong araw."

"Bakit hindi ka na lang sa bar buong lingo?"

"Mahina po kasi e."

"E bakit hindi ka na lang dito?"

"Wala lang. Tsambahan kung merong makuhang malakas na customer sa bar."

"Nauupo ka ba sa bar?"

"Minsan lang po." Dagdag niya, "Sayang naman po kung sa isang lugar lang. Sinusulit ko lang."

Sulit.

Pinakamaraming makukuha sa isang halaga. Ayon kay Kris Aquino sa isang commercial ng gatas, siksik dapat para sulit. Sinisiksik ang anumang makakain, maiinom o matatanggap mula sa perang ibinibigay.
Boy: What's siksik, mama? What's sulit, mama?
Mudak: ETO! 

"Saan ka naman nakakakuha ng mas malaking kita?" tanong ko.

Tahimik ng ilang sandali. Pinisil-pisil ang aking balikat. Parang pinag-isipan ang isasagot. "Pareho lang po."

"Bakit pareho lang?" Sa isip ko, pwedeng mas malaki sa gay bar lalo na't kung may big time customer na magpapaulan ng pera. Ngunit pwede rin naman sa massage parlor dahil kahit mas maliit ang tip na binibigay, araw-araw namang may bading na hayok na magbibigay ng tip kahit paano.

"Pareho lang po kasi mahina ako sa pareho."

Kaya nga niya siguro sinisiksik ang dalawang trabaho sa isang lingo. Sulit nga naman ang pumasok sa massage parlor sa mga gabing hindi kalakasan ng gay bar, lalo na't kung hindi ka-guwapuhan at walang regular customer.

Hindi naman din kasi lahat ng gusto nakukuha sa gay bar. Lalo na sa mga customer... sa mga bading na mas maraming nais gawin kaysa sa manood sa sayaw at makipag-usap lang ng isa o dalawang oras. Oo nga't mas better-looking ang mga lalaki sa malalaking gay bar, pero maaari rin namang makaswerte ng isa o dalawang "pwede na" sa massage parlor. Wala nang ligawang magaganap para lang makatikim. Kung parausan lang ang habol ng bading, mas sulit ngang kumuha na lang sa mga sha-sha boys. Mahal na ngang mag-upo ng macho dancer, masyado pang mahal ang ibabayad para i-take-home sila, bukod pa sa tip na hihingiin nila mula sa iyo.

Naswerte nga naman ako noong gabing iyon. Makakasama ko rin ang isang macho dancer kahit na hindi ako magbayad ng pagkalaki-laking tip o bar fine. Nasulit ko rin ang pera ko sa sha-sha, na dahilan kung bakit hindi na ako napapadalas sa macho dancer o gay bar nitong mga nakaraang buwan. Hindi lang sa tawanan o tsismisan mapupunta ang pera. Mairaraos ko rin nang buong buo ang perang pinagpaguran ko. Instant balik!

Para lang din masulit ang masahe, hindi ako pumapayag na pipindut-pindutin lang ng lalaki ang likod ko. Dapat may tensyon mula sa kanyang kamay na dapat kong maramdaman, na tila pinipiga niya sa aking leeg, likod, o kamay ang bawat pisong maaari niyang makuha mula sa akin. At sa ES naman, hindi maaaring laila dee o nakahiga lang siya sa likod. Kahit paano, dapat may "illusion of intimacy", ika nga ng kaibigan ko. Kunwaring ako na ang matagal na niyang hinihintay na makapiling.  

"Sir, tapos na ang likod. Tihaya na po kayo," utos niya sa akin nang malumanay.

Dinilat ko ang aking mata. Inangat ko ang sarili. Umikot. Nahiga muli.

Sa tagal ng usapan namin sa dilim ng massage parlor sa gitna ng Maynila, Love Radio pa rin ang naririnig sa background speakers. Isa na namang love song na sumikat noong 80s. Sa naririnig na kanta at sa kasama kong masahistang macho dancer din, parang hindi na rin ako nawala sa gay bar.

Ginatas na namin pareho ang natitirang sandali.


GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com
twitter: @gbgoer



Photo credits: http://www.realjock.com/gayforums/1028251/?forumpage=4

16 comments:

  1. you're back after a 6-month hiatus...

    ReplyDelete
  2. Thank God you're alive! I missed you A LOT! Wazzup?

    ReplyDelete
  3. finally! i like this blog! i can really relate! ngpunta kmi ng friend ko sa my pasay ata un...in fairness! mas sulit tlga kesa gb.at least d2 marerelax k p in less than 1k + es.sa gaybar,nka 5k k n,hnd mo p mccguro qng ssma syo ung guy.qng ssma nmn,katakot-takot n gastos prin ksunod. i only spent 850 all in all when i went to a sha-sha....hahahha!!

    tnx s blog gbg! ^_^
    more power!^^

    ReplyDelete
  4. welcome back..nag-hiatus ka rin?? lol!! siguro naman i-a-update mo na yung gb post mo..demanding!!!...hehe!!..tell us more @f4..di ka gumagamit ng aliases ha..

    ReplyDelete
  5. Hi! saan yang massage parlor na yan, gsto q itry, tnx!

    ReplyDelete
  6. oh!!! i love your story!!!san yang massage parlor na yan!??? gusto q magrelax ngaun at stress naq. tnx!

    ReplyDelete
  7. Bumalik ka na din. Welcome back M.P. Goer... este G.B. Goer pala.. hehehe

    ReplyDelete
  8. Welcome back M.P. Goer... este G.B. Goer pala...

    Nung nabasa ko ang "squirt-squirt ng bote", ay ang daming na reminisce sa mind ko... haha. Miss ko na mga sha-sha.

    ReplyDelete
  9. I agree. sulit talaga sa M.P. Di pa masyado demanding mga masahista. Wala pa ako namit na suplado. lahat ng namit ko mabait. Pero meron time na gusto ko lang talaga magpamasahe. sinasabi ko rin sa kanila. Tapos bigay ko din tip na parang E.S. din. Masaya na sila dun.

    ReplyDelete
  10. I agree. Mas sulit ang gastos sa M.P. kesa G.B. kung gusto mo magrelax. So far, wala pa naman ako namit na supladong masahista. Lahat giving. Pero meron din naman time na gusto ko lang magpamasahe. Sinasabi ko rin un sa masahista. Pero bigay ko din sa kanya parang nagpa-E.S. din ako.

    ReplyDelete
  11. Nice nice. I haven't been really to places like this even if I've been here in Manila for quite some years. Or once pa lang to be exact sa Fahrenheit. Naculture shock ako kase first time ko, but I enjoyed the ride. I just can't stand the feeling that all ayes are judging once u enter. =) This blog is informative. I'll try the menu this site is offering.

    ReplyDelete

Feel free to share what you think