Wednesday, February 9, 2011

Ayan, Napaghahalata Tuloy

SM North Edsa, Skywalk 2nd floor.
Martes, 9:15 P.M.

Dalawang magkaibigang vakels ang naglalakad. Sina Mary at GB Goer. Nag-iisip kung saan kakain.

May boylet na dumaan sa harap nila. Early 20s. Mestizo. 5 foot 8. Naka itim na fitted razorback na sando, itim na pantalon na slim cut, at itim na balat na sapatos. May bag na dala. Bumaba sa escalator papuntang ground level, sa sakayan.

Nagtinginan ang magkaibigan.

GB: Macho dancer?
Mary: Oo nga! Yun din naisip ko!
GB: Sure ka?
Mary: Halata.
GB: Dahil sa sando no?
Mary: Pati sa itsura.
GB: Baka naman pangit. (Hindi kasi nakita ang fez).
Mary: Nakita ko nga e. Pwedeng pwede!
GB: Ay! Halika, sundan natin.
Mary: Sa baba?
GB: Oo! Hanggang makasakay. Alamin natin kung saan pupunta.
Tiningnan ni Mary nang masama si GB Goer, na para bang may luka-lukang kausap. Tinawanan na lang ni GB. I-stalk ba raw ang boylet?

Mary: Tamang-tama, oras na ng pasok.
Tumingin si GB sa relo. 9:20 PM. Pwede.

GB: In fairness, ready na sa susuotin niya. Magpapalit na lang ng pantalon at sapatos.
Mary: Korek!
GB: Baka naman waiter? Nagpalit na lang siya ng sando pagkatapos ng shift.
Mary: Hindi! Bagong ligo e. (Napag-isip si GB: Paano niya nalaman? Naamoy kaya niya?)
GB: Naka-make up na ba?
Mary: Hindi. Syempre sa bar na mag-muuukkk up!
GB: Korek! San San foundation.
At dahil pinag-usapan ng dalawa ang pinaghihinalaang macho dancer, wala nang nangyari sa kanila mula noong dumaan ang boylet.
Mary: Alis na nga tayo rito.
Umalis ang dalawang magkaibigan sa mall nang hindi naghapunan. Nabusog siguro sa nakita.

Lesson: Sa mga lalaki
Para sa mga lalaking ayaw mapagkamalang macho dancer ng mga bading habang papunta kung saan man, huwag magsuot ng itim na fitted razorback na sando at balat na sapatos, lalo na kung nasa mall na malapit-lapit sa isang gay bar. Siguraduhin ding huwag maligo bago pumasok. Lalo na kung guwapo.

Lesson: Sa mga vakels
Huwag masyadong ipaghalatang alam ang itsura ng isang macho dancer na naka going-to-work attire. Baka isipin ng mga tao sa paligid na napapadalas ang pagpunta niyo sa gay bar. Huwag din masyadong malikot ang mata. Baka kung sinu-sino na lang ang pagkamalan ninyong macho dancer.


GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com; Follow at twitter: @gbgoer

No comments:

Post a Comment

Feel free to share what you think