Thursday, April 7, 2011

Kilig o Libog?

Hindi ako maka-decide kung sino sa dalawang macho dancer ang aking iuupo noong isang gabi.

Inisip kong iupo si Japoy, na kapag nakakakuha ako ng mapaglarong text mula sa kanya ay naalala ko ang pag-ngiti ng kanyang mga chinitong mata sa tuwing kami'y naghahagikhikan. Hindi nga lang sobrang maganda ang katawan nito, at kung sumayaw ay parang naglalakad lang sa mall.

O maaari rin namang si Beatty, dala ng kanyang sobrang senswal na pagsayaw gamit ang katawang moreno't matipuno, na tulo-laway na pinagnanasahan naming magkakaibigan. Ngunit, kapag iupo na, tahimik, lalo na sa simula. Hindi rin masyadong malambing sa katabi.

Yung isa ay masarap makasama sa isang mall habang sa kainitan ng araw, tipong holding-hands kayo habang kumakain o naglalakad. Yung isa naman ay masarap lang sa kama sa kainitan ng gabi, kahit hindi na kayo mag-usap.

Syempre, may budget din ako kaya't hindi puwedeng pareho ang iuupo ko. Siguro puwede namang pagsabayin sila sa ibang okasyon, ngunit hindi sa gabing kung kailan maaga kami uuwi dahil sa may pasok kinabukasan.

Kaya't tinanong ko ang mga kaibigan ko sa gay bar: Kung ikaw ang pagpipiliin, yung lalaking nakaka-kilig o yung lalaking nakaka-libog?


Ipagpatuloy kung ano ang mga sagot ng ilan. Ikaw, ano ang sagot mo?

Ringo (baklang pa-virge na claiming to be pokpok kahit hindi pa nakaka-tikim ng sex): Bwahahahaha! Lalaking nakakalibog. Hahahaha!

  Kilig - 0; Libog - 1

Mary (babaeng bakla, may dalawang anak at very motherly kung magmahal): Nakakalibog, syempre.

  Kilig - 0; Libog - 2

Tranny Impersonator 1:  Ay mahirap yan! Yung... Nakaka-kilig. (Tapos, bigla siyang kinilig, dahil naalala niya ang bago niyang boylet).

  Kilig - 1; Libog - 2

Gay Manager: Yung nakaka-kilig, kasi kapag nagkatabi na kayo, magiging libog din yan. (In fairness may tama rin naman siya)

  Kilig - 2; Libog - 2

"Cap" (MD), ang inupo ni Mary: Syempre, babae iisipin ko. Kunwari nasa bar ka tapos may babaeng sumasayaw sa harap mo, syempre kukunin ko na yung nakaka-libog. (Dear, hindi mo na kailangang ipilit na babae talaga ang habol mo, kahit na may naaamoy kami sa iyo. Pero kinilig si Mary dahil pareho ang sagot).

  Kilig - 2; Libog - 3

Tranny Impersonator 2: Syempre dahil babae ako, yung nakaka-kilig!

  Kilig - 3; Libog - 3

Waiter na walang kamalay-malay na dumaan: Uhhh... Libog.

  Kilig - 3; Libog - 4

Nahirit ng isang macho dancer na tanungin yung isang babaeng customer na naroroon sa bar dahil sa kanyang bridal shower. Pina-akyat ang bride-to-be sa stage, habang pinaligiran siya ng tatlong macho dancer na sumasayaw. Mukhang sagot ng babeng ito, "libog."

  Kilig - 3; Libog - 5

Wala pa akong naiupo noon, habang nakontento na si Mary sa kanyang upo katabi ni Cap. Biglang sumunod sa line-up si Beatty, ang tanging macho dancer na pinagnanasahan naming tatlo nang sabay-sabay. Napa-diretso ang upo namin ni Mary. Tumitig sa hubad na katawan sa harap. Walang umiimik sa amin habang sumasayaw ang matangkad, moreno, at guwapong macho dancer. Siniko ako ni Mary, mukhang may nais ipahiwatig. Nag-isip ako nang kaunti. Pinatawag ko na sa manager ang lalaking naging desisyon ko sa tanong na kilig o libog.

Sa isang gay bar nga naman, mayroon talagang mga lalaking alam mong makakapagpa-libog sa iyo, yung tipong gagamitin ng ihaminasyon sa mga "sad, lonely nights." Ngunit kapag katabi mo na'y nawawala ang pantasya, at sana'y idineretso na lang sa kama ito. Mayroon namang mga lalaking sa unang tingin, okay, cute at maganda ang ngiti, at kapag kausap mo'y parang walang katapusan ang gabi. Ngunit sa loob mo'y alam mong hanggang kilig lang sa gabing 'yon ang tanging maabot mo.

Noong umupo na ang pinatawag ko, tinanong ko siya, si Japoy, kung ano ang sagot niya sa tanong ko. Kilig din daw, tulad ng sa akin.

  Kilig - 5; Libog - 5

Kinilig ang bakla. Hehe.

GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com


7 comments:

  1. haha! i thought elmerlovesoreo is for nakaka-kilig, while badingnakolboy is for nakaka-libog. hehe!

    ReplyDelete
  2. nicely written...

    ReplyDelete
  3. thanks anonymous. you didn't vote though if "kilig" or "libog"?

    ReplyDelete
  4. hmm, i wish there's a "like" button somewhere here.. really enjoyed reading this one..thumbs up!..
    ~cheers!

    ReplyDelete
  5. Hi Anonymous. Salamat! "Like" your comment too =)

    ReplyDelete
  6. ayyyy!!! kung one-time, short-time, ciempre yung nakakalibog na. yung matigas, malaki, mainit. di ba, mga sisterhood? pero kung babalik ka, at babalik-balikan mo, yung marunong magpa-kilig, mas okay yata. yung lalandiin ka sa text, yayakap-yakapin ka, ikikiskis-kiskis. ayyy, awaaard!

    ReplyDelete

Feel free to share what you think