Wednesday, April 20, 2011

Naisip Mo Na Bang Mag-Artista?

Guwapo. Check.
Maganda ang katawan. Check.
May talent, tulad ng pagsayaw. Check.
Hindi mahiyain. Check.
Magaling humarap sa tao. Check.
May potential magkaroon ng fans. Check.

Mga katangian ng isang artistahin? Pwede. Ngunit, sa listahang ito, mas iniisip ko ang mga katangian ng isang magaling na macho dancer. Check.

Kung iisipin, mukhang pareho ang hinahanap sa isang matinee idol material at sa mga MD. Sa guwapo ba nilang yan, syempre hindi ba't maaari silang maging matinee idol o kapareha ng love team o action star? Kaya’t hindi malayong maitanong ko sa mga macho dancers na aking nakakasalamuha: “Naisip mo na bang mag artista?”



“Dati, oo,” sagot ng pinakaunang macho dancer na naupo ko, si Thomas*.  “Sumali ako sa mga artista contest sa TV. Yung sa isa, umabot lang ako sa top 50, pero hanggang doon lang.”

Para sa isang binatang lalaking kagwapuhan naman, hindi malayong maisip nito ang mag-artista. Lalo na’t sa mga nakaraang taon, iba’t ibang mga artista search ng mga TV station ang nagpasikat na sa mga ordinaryong binatilyo upang maging matinee idols na ngayon. Instant sikat, instant yaman. Sagot sa kahirapan.

Ganun din naman ang kadalasang rason ng pagpasok sa pagsasayaw ng macho, diba?

Ngunit sa dami ng mga gays sa entertainment industry, bakit hindi na nga lang sila maghanap ng mga susunod na maging Richard or Aga sa mga gay bars? Lalo na’t marami naman doon sa area ng mga TV stations. Pero sabi ng isang matagal nang macho dancer sa "Lord Gay Bar"*, na nasa tapat lang ng isang malaking TV station, hindi naman regular na tambayan ng mga bading sa station na yun ang Lord bar. Siguro ayaw mahuli o makita – skandalo rin nga naman yun. Kung pupunta man sa gay bar, siguro doon sa malayu-layo at kung saan hindi sila madaling makilala.

Mayroon na rin akong mga nabalitaang mga nag-artista o kahit extra sa pelikula o mga sumali sa all-male sexy group na nagmula sa pagtatrabaho sa gay bar. (Secret na lang kung sinu-sino mga yun). Yung iba, sa gay bar daw na-diskubre. Pero asan na sila ngayon? Hindi rin alam ng mga nag-tsismis sakin kung asaan na ngayon ang mga MD-turned-artista, ngunit hindi ako magugulat kung bumalik sila sa pagsasayaw kung hindi man sila nakapag-ipon at nag-"bagong buhay" na.

Pero hindi naman lahat ng macho dancer gusto maging artista. Actually, sa mga nakausap ko, marami ang tumanggi sa hangaring pag-aartista. Ang pinakamadalas nilang mabanggit na sagot – ayaw makalkal ang buhay-MD nila.

“Syempre nagsimula akong macho dancer, lalabas at lalabas din sa mga chismis at tabloid yun kung mag artista ako,” ayon kay K, isa na ring matagalang macho dancer, sa edad na 22. “Baka kung ano nang isipin ng mga tao sa akin.”

Sayang, pwede pa naman mag artista si K – maputi, chinito, maganda ang ngiti, mahilig magpatawa at marami nang nabiktima na bading at matrona (diba, Ringo?). Marunong naman siya sumayaw, macho dancing nga lang.

Sa ibang mga nagtatarabaho sa gay bar, siguro may mga madalas mag-alok sa mga macho dancers o hosto na mag-artista, ngunit sila na lang mismo ang tumatanggi dahil nga sa "hiya" ng pinasukang trabaho o sa "takot" sa pagpasok sa mas malaking industriya. Siguro, naging interesado sila nung simula, ngunit natakot sa kung anumang "offer" (pera man o under-the-table) ng gay customer na talent manager. O kaya’t umasa lang sa pangakong papasikatin, at pagkatapos “gamitin”, wala nang nangyayari. O yung iba, tumanda na lang sa gay bar, at nakontento na sa "mas madaling" trabahong nakapagpapasok ng pera naman.

Para sa isang binatang lalaki na kaguwapuhan, na maaaring matinee idol material na kinakikiligan ng mga babae’t bakla, may talentong maipapakita tulad ng pagsayaw, at magaling naman makipag-usap sa mga tao, madali nga sa kanilang mangarap na sumikat at maging artista.  

Ngunit sa dali ng pagpasok ng pera sa mga gay bars, lalo na’t sa hirap ng buhay ngayon, hindi nakapagtatakang pinili na lamang nila na sa ibang enteblado na lang magpasikat. In fairness, "entertainment industry" pa rin naman yun.

*Hindi nila tunay na pangalan ang ginamit dito.

GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com

3 comments:

  1. haay, inggit naman ako ( considering di ako envious type of person ),naiinggit ako sa fact na bakit ako wala akong na meet na pogi hehe, naku asan ang mga single at pogi na STRAIGHT guys ? hmmmm PAGING mr blogger, baka me mga kilala kang guys in need , hehehe, andito lang ako ready to ` help ` , naku na raid na ang prince galaxy eh di ko pa napuntahan haaay


    marvin

    ReplyDelete
  2. hi marvin. maraming straight na pogi sa mundo ng mga macho dancers. kailangan lang pumasok sa isang gay bar, at makakahanap ka rin doon, depende sa kung anong klase ang type mo (moreno, chinito, maskulado, etc). ang mahirap lang ay kung mag-click kayo ng MD na pinili mo. kahit artistahin man siya, kung walang kwentang kausap o katungo, baliwala rin.

    ReplyDelete
  3. naku, as they say, beggars cannot be chooser, so di na ako mapili, basta st8 and pogi kahit bobo, wag lang retarded hehe, ok na sa akin, what bar do you recommend- my type is st8 , tall and pogi?? teka what about you puro table lang and dates?? thats it?? do you get laid ?? haha sorry kung too personal?? sabi mo you like masseur , i can recommend some

    marvin

    ReplyDelete

Feel free to share what you think