Friday, August 5, 2011

Ang Muling Pagpasabog

May nag-text. Madaling araw na noong natanggap ko ang pinaka una niyang mensahe. Pauwi ako sa isang lakad noon, at noong nabasa ko kung kanino galing, nagulat ako.

Aba, nagparamdam. Ang para na lang naglahong hosto na si Air* (na naisulat ko na dati). Kaboom (cue in Boy Abunda's "Pasabog!" tuwing lingo sa The Buzz).
Left (in gray): Si Air*
Right (in green): Me
Syempre, dahil may nakaraan, napa-ngiti ako. Mga ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Siguro, wala pang closure sa aming relasyon, kaya't mayroon pa rin akong nadarama para sa kanya. Kinilig ako kahit na masakit ang naging nakaraan.

Hanggang sa nabasa ko ang mga susunod na text...

Note: 2nd floor pang macho-dancer,
3rd floor naman pang hosto.
Sa bar na yun? Naku, parang alam ko na ang kailangan nito. Buti na lang, natuto na ako sa mga nagaganap sa iba't ibang bar. Ang alam ko, kung sa 2nd floor ng bar papasok bilang macho dancer, o sa 3rd floor ng bar bilang isang hosto, kailangang may kasamang customer sa mga unang araw. Panigurado na rin ng bar na magtatagal sa bar ang aplikante, na may bitbit na bagong income sa bar. Read previous post.

May nalalaman pang "miz din kita." Akala niya sa mga salitang yun, mapapahulog niya ako. Kahit na siguro may semblance of truth dahil sa tagal na nga ng aming hindi pagkita, nararamdaman kong may mas malalim na kahulugan ang most commonly-used line na yan ng mga hosto o macho dancer.

At dahil gusto ko lang magmaganda, eto ni-reply ko:


Alam naman nilang mas maraming customer at mas malaking kita kumbaga ang macho dancer ng 2nd floor kesa sa GRO o hosto ng 3rd floor sa bar na yun. 

Sa loob-loob ko, gusto kong sabihin na mag-macho dancer ka na lang kaya. Tutal, cute naman ang chinito fez mo. Maganda naman ang tindig ng katawan, kahit hindi naman maskulado. For sure, maraming becky at koreana ang bet sa iyo. At sigurado, kung magiging MD ka, pupuntahan pa kita agad! 

But no, gusto ko pa rin magmaganda. Pasaringan ko kaya ng nangyari sa amin dati?


Ang kulit. Sa bawat bato ko ng slight masasakit na linya sa kanya, ang nireply niya lang ay "punta ka dito." Desperado. Nahahalata talaga ang kailangan niya. 

Mausisa nga...


Sorry, I am not the naive customer I was once before. Kailangan niyang malamang may nalalaman na ako, kahit paano, sa industriya ng pang-ho-hosto. Hindi tulad ng dati kung saan maniniwala ako sa bawat sasabihin ng lalaki sakin, kesyo ganito, ganyan, eklavu, para lang papuntahin ako sa isang bar. Dati, kaunting pagyaya lang, sige, go fight. Sayang ang airtime kasama ang lalaki. Ngayon, kung ayaw ko talaga, huwag.

Halata namang gagamitin niya ulit ako sa pagkakataong ito. Alam niyang mahal na mahal ko siya dati (hello, sino ba naman kasi ang hindi ma iinlove sa lalaking mag-i love you habang nasa phone kayo't nasa magkabilang dulo ng mundo?), kaya't anong kailangan niya, ibibigay o gagawin ko. But not now. Not anymore.

Bitterness talking? Maybe not. Raging diva pa siguro. Hehe.  

Pero grabe ang kulit. Diretsuhin ko kaya? Sabihin ko na kaya ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. Eto na siguro ang tamang pagkakataon. Ako naman ang magpasabog:


Kaboom.

In fairness, naalala niya kung sino yung tinutukoy ko. To think, nabalitaan ko lang sa isang katrabaho niya months after na yung babae ang dahilan kung bakit tumigil sa bar si Air. Akala ko nawala lang siya. So, kumpirmado, lumalabas sa text niya na maaaring naging totoo nga ang chismis lang dati. Kasi naalala niya sa "hindi kita pinagpalit dun."

Kaso ngayon, bumabalik siya... Pagkatapos ng sunud-sunod na pasabog ko sa txt, I needed to drive home the point:


Sorry raw. Finally, after how many months na hindi nagpaparamdam, not anything. At ngayon lang kapag nasa loob na siya ng bar ulit.

Ayon nga sa kaibigan ko, sa mga text na ito, halatang nagmamadali si Air na ayusin ang naging problema namin. Kahit anong pag-sorry o pagpasensya sa nakaraang kasalanan o pagluhod sa harap ko (ay, how fun), gagawin niya para lang matanggap siya sa bago niyang bar. 

Madali lang naman talaga sakin na bumisita sa bar nya. Ano ba naman ang magpakita ng mukha sa bar na napuntahan ko na dati? Ngunit alam ko kasing magiging simula na naman ulit ito ng cycle of flirting, kilig-kilig moments, panggagamit, pag-iwan, pananakit ng puso. Lalo na sa bar na yang notorious for hostos and macho dancers flirting and f*cking the hostess girlie bar customers they get. 

With a few of our ex-lovers there that we met from our other regular bars, that bar in Libertad has officially become Ringo's, Mary's, and many other gay bar goers like me, the "Land of the Exes." 

To end, I just had to be honest and turn him down this time. To say "Enough", but a little gentler.

Kaboom. Closed. I hope.


GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com
twitter: @gbgoer

19 comments:

  1. sa solution?? may md sa 2nd flr..sa 3rd ay hosto bar??? sa wb..hinding hindi na ako babalik dun..ang aarte ng mga lalake dun..dami kasing koreana..

    ReplyDelete
  2. hi kamote. yez sa sol. no comment sa wb. =)

    ReplyDelete
  3. no worries mga friends, this wave of koreanas will soon die down, as have he japanese and the japayukis of yore. at zino ang masusulingan ng mga otokesh? the ever-reliable bekis. abah, teritoryo yata natin ito. hahahahahaha.

    ReplyDelete
  4. Lalo na sa bar na yang notorious for hostos and macho dancers flirting and f*cking the hostess girlie bar customers they get.

    now this is interesting as I am fancying someone in that bar. hmmm.... care to expound a bit on this? para maumpog ba before your ateh finds herself in too deep this time around.

    ReplyDelete
  5. ty!! btw..kapatid, since madalas( i supposed)kang pumunta sa mga gay bars (macho dancers bar/club), suggestion lang naman..bakit di ka magblog ng mga facts tungkol sa mga gb..yung entrance, magkano drnks, how are the guys,face value , ugali sa gueast..rate of the shows, ugali ng floor managers..anything na maoobserve mo sa mg gb...kung saan ito..paano ang pagpunta..dati meron..pero bigla nawala..yung thegonogradresident..pagisipan mo..thanks and more power!!!

    ReplyDelete
  6. suggestion lang yun ha, i dont mean to impose..

    ReplyDelete
  7. aww.. haha. hay nako. may mga tao talaga na ganyan.. kailangan lang iwasan na lang, lalo na if you had an emotional attachment with the person..

    ReplyDelete
  8. hi kamote. thanks for the suggestion. i respect that blogger's style, and let's leave him at what he does best. hindi ko style ang wikipedia writing. siguro, pwedeng waka-wakapedia for gay bars (this time for africa). chor.

    ReplyDelete
  9. salamat the green breaker. i learned the hard way. =(

    ReplyDelete
  10. oo nga e. let him rest in peace na lang...

    ReplyDelete
  11. GB and mga sis, hmmm, advice naman, saan ang mga naked guys, kahit sleazy GB basta pogi, st8 and walang raid, naku super busy ako sa work, wala akong time sa ligaw ligaw eklavu, any advice para naman madiligan ako? haaaay , what about mang hunting ako sa bikini contest?? wala bang blog about bikini?? haha

    GB help me naman , huhuhu


    marvin

    ReplyDelete
  12. hi marvin. we gave some advice already. i emailed you already last april for the advice. another one was offering to email you, but i dont think you emailed him. so my advice, just go to a gay bar and do it.

    ReplyDelete
  13. elow ateh marvina. hahahahaha. choz lang. 'teh. nuba? minimal ang chances ng dilig sa mga GB. these are essentially 'party places'. ngayon, kung dilig din lang...'teh, kaya nga nandiyan ang mga spa. hahahahaha. quick, fast and easy. o davah? tagline kung tagline itu. hahahahaha. now for them bikini contest. 'teh, kung tigang ever na ang drama moh, dearie, baka matuluyan nang mag-crack ang iyong hymen kung sumuperwatch ka pa ng bikini contest. hahahahaha. 'teh, superlook, at from afar pa ha, and nil chances of touch yun, nubah? hahahahahaha. kaya nga there was this one time when i came from one such contest that really got me craving for some sugar, sirko ang behind ng massage teyrapist sa ateh niyo. hahahahaha. kaya hayan 'teh, kung ang eksenahan mo ay hecho derecho, you know where to get your fill. ngayon, kung sweet-sweet-an, landian, at ka-chorvahan naman ang trip moh, aba, atak na sa mga nagkalat na GB 'round the metro.

    BAW.

    V

    ReplyDelete
  14. relate. kagabi lang pinagpalit ako ng baby ko sa isang puta. kakasawa na ang ganitong life :(

    ReplyDelete
  15. Hi I love this blog... i used to read the Gronogard Residence blog but it was deleted. Good thing I came across this blog :-). I need to ask a favor please, can you e-mail me some of the best yet affordable male macho dancing bars in the metro .... I love going to Prince Galaxy bar before but was closed down...

    Thank you for the help...

    men_wisher@yahoo.com

    ReplyDelete

Feel free to share what you think