Wednesday, September 28, 2011

Mga Saloobin ng Baguhan sa Night-men

Isang Sabado ng gabi, nagpunta ako sa isang gay bar sa Aurora, na itatago ko sa pangalang Night-men*. Kilala itong bar dahil sa dami ng lantarang notes na pinapakita rito sa loob, at lalo na ng malayang paghawak ng customer sa mga notes ng lalaki. Padaan ako sa bar, at naisipang magpunta, kahit sandali lang.   

Pagkatapos ng dalawang bote, paglabas ko ng bar, niyaya ako ng inupo kong macho dancer na si Archie* na kumain ng agahan bago kami magsiuwian.

Archie (short for Archuleta): Antayin mo ako sa labas. Bibihis lang ako. Kain tayo ha.

GBG: Okay. Sa kotse mo na ako puntahan. (Sa loob-loob ko: Akala ko ang usapan natin may iba tayong gagawin, at hindi ang pagkain ng agahan?)

Archie (pagkalabas at bihis na): Sama natin si Nicos* ha.

GBG: Ahhh....

At sa likod ni Archie, lumabas si Nicos, na nakabihis na rin ng pang-uwi. Si Nicos naman ang inupo ko sa bar na yun noong nakaraang araw, bago si Archie. Tulad ng gabing yun, hindi rin ako nagtagal sa bar. Dalawang drinks lang. Sa lahat ng dancer sa bar na yun, si Nicos lang ang natipuhan ko. Ngunit, noong pagbalik ko noong Sabado, mas marami nang dancer ang pumasok. At doon ko nakitang may mga mas okay pa pala kay Nicos. Kaya si Archie ang inupo ko.     

GBG: Okay sige. (Sa loob-loob ko: Akala ko tayong dalawa lang? Ano kaya magagawa nating tatlo? Di ako ready mag-tatluhan... ie. threesome. Ah. Siguro, kaya mo rin siya isinama no? Para chaperone na hindi lang tayong dalawa sa kotse, at hindi mangyari yung tinutukso at binubulong mo sakin kanina...)
  


Habang bumabiyahe kami ng Aurora para maghanap ng makakainan noong 4AM na yun, nagsimulang magkwentuhan yung dalawa. Si Archie ang nakaupo sa harap, habang ang salingkit na si Nicos, nasa likod. 

GBG: Gaano na ba kayo katagal talaga diyan sa Night-men? Si Nicos, alam ko isa o dalawang buwan pa lang.

Archie: Ganun din, mga lampas isang buwan lang din. Promise!

Nicos: Totoo yun. Halos sabay kami pumasok. Nauna lang ako ng mga dalawang linggo ata.

GBG: Eh bakit naman diyan sa bar na yan kayo pumasok? Marami namang ibang bar sa Timog a.

Nicos: Galing ako sa Mister Globe*.  Pero dahil patay doon, lumipat ako pati yung kasama ko. Hindi naman ako pwede doon sa mga ibang bar. Kailangan doon malaki ang katawan. Tingnan mo naman katawan ko.

(Sa loob-loob ko: Keri naman yang slim and lean physique mo. Face value ang nagdadala sayo)

Archie: Ako nga rin e. Kung makita mo ako noon, mejo mataba-taba ako. Di talaga ako pwede sa mga bar tulad ng ____ at _____.

(Sa loob-loob ko: Oo nga. Chubby-chubby ka pa. Pero cute naman, dahil face value din ang nagdadala. Parang hawig kay Hayden Kho. Ganun siguro no? Iniisip nilang hindi sila papasa sa mga malalakihang bar kung hindi sila "macho" o "maskulado", kahit na marami-rami ring macho dancer sa mga bars na ito ang hindi talaga macho. Kaya ba sa isang maliit na gay bar na mukhang beer house sa probinsya na lang sila pumasok at nagtrabaho?)

GBG: Pero alam niyo naman siguro ang reputasyon ng bar na yan diba?

Archie: Anong reputasyon? 

(Sa loob-loob ko: Weh?! Nagkunwari ka pang hindi alam) 

Nicos: Oo nga, bakit ganun? Grabe talaga mga customer diyan. Gusto laging hawak. Eto, hindi biro. Alam mo bang sa dalawang buwan kong pagtrabaho diyan, 3 customer pa lang ang rumespeto sa akin. At isa na siya doon (referring to me).

(Sa loob-loob ko: Wow? Ako? Nirespeto ko na pala siya kahit na habang nag-uusap kami noong nakaraang gabi, kina-kambyo ko siya?) 

Archie: Pare (referring to Nicos), nagpapahawak ka ba?

(Oo! Sa loob-loob ko, na muntik ko nang sabihin nang malakas) 

Nicos: Sasabihin ko sa una na okay lang kasi wala namang mawawala sa akin. (Sa loob-loob ko: In fairness, sinabi nga niya yun sa akin noong inupo ko siya. Kaya't habang nag-usap kami noon, medyo nagpaalam muna ako sa kanya bago ko siya... uhmmm... i-pet) 

Nicos: Pero yung iba wala talaga ginawa kundi hawak-hawakan lang ako. Para sa ano, bente pesos? O sa isang drink? 

(Sa loob-loob ko: Kaya nga kilala itong bar na ito. Dahil sa malayang paghawak, lalo na't pagkatapos sumayaw, habang nag-e-area.) 

Archie: E napansin mo ako sa bar. Nakita mo na bang nag-e-area ako kapag sumasayaw?

Nicos: Oo nga, hindi ka nga nag-e-area. 

Archie: Syempre, kahit na ipakita ko ang ___ ko habang sumasayaw, ayoko namang basta-basta lang akong dakmain. Tapos bababa pa sa customer para magmakaawa lang sa tip. Parang nanlilimos. Eh yung iba P20 o P50 lang binibigay. Kaya huwag na no. 

Nicos: Di ko nga rin maintindihan yung mga ibang kasamahan natin. Kahit P20 lang, pumapayag na. 

Archie: Nakita mo ba si Jonas*, yung kasamahan natin, noong isang gabi? Grabe, jinajakol yung customer dun sa gilid ng bar.

Nicos: Oo nga e. Tinanong ko siya pagkatapos, 'Pare, naka-ilang drinks ka doon sa customer?' Sagot niya, isa lang. Nagtataka talaga ako bakit siya pumayag sa ganun.

(Sa loob-loob ko: Sino ba yang Jonas na yan? At kelan ko kaya siya pwedeng iupo?)

Archie: Kaya sakin, kung merong ganung customer, sasabihin ko na lang na 'Gusto mo, may ipakikilala ako sa iyo. Game gumawa ng kahit ano.' Tapos iiwan ko siya para doon sa lalaking okay lang magpahawak.

Nicos: Pare, nagtataka nga mga kasama natin sa iyo e. Paano ka nakakuha ng customer o kita kahit hindi ka um-e-area o nagpapahawak?

Archie: Hehe, style ko na yun... (sabay tingin at ngiti sa akin). Basta kapag hahawakan ka na doon, di talaga ako pumapayag. Kapag nagawa na ng customer ang gusto nyang gawin, iiwan ka na lang basta at kukuha ng iba. Tsaka, kahit di ako nagpapahawak, di naman masamang mag-halikan diba? (sabay kindat sa akin)

(Sa loob-loob ko: In fairness, masarap nga siyang humalik. Siya ang nag-initiate, hindi ako. Dahil sa lapit ng pisngi ko sa pisngi nya, habang nagbubulungan kami para magkarinigan, bigla niyang nilapit ang labi niya sa pisngi ko. Noong una, smack lang. Tapos noong pangalawa, ayan na't sa labi na niya ako hinalikan. Bawat pagdilim ng bar, ilalapit nya ang mukha ko sa kanya para matikman ko ang mga labi nya. At pagbukas ng stage lights, sa pag-atras ng mga ulo namin, pupunasan ko ang aking labi sa natitirang bakas ng halik nya.)

Nicos: Buti pa nga si Sir (referring to me), mabait. Tingnan mo, okay na kasama, at manlilibre pa ng agahan. (Sa loob-loob ko, naku, bola na naman!)

GBG (Ngumiti): Hehe...

(Sa loob-loob ko: Naku, hindi mo lang alam. Hindi ka talaga kasama sa plano. Iba talaga ang balak kong gawin, dahil sa panunukso nitong si Archie buong gabi sa bar. Pero pagkatapos ng usapan sa kotse, ayan nawalan na rin ako ng gana ituloy ang binabalak. Baka kung anong isipin pa nitong mga ito. Na pag-take-out lang ng dancer ang habol ko, kaya ako nagpunta sa kanilang maliit na bar na kilala sa nag-uumapaw na notes).

Sakto, dumating na rin kami sa kakainang mini-canteen, ang tanging bukas na kainan sa oras na iyun. 

GBG: Kumain na tayo. Ayan, i-order niyo na lang kung anong gusto ninyo. Huwag kayong mahihiyang sabihin anuman ang gusto niyo.

*Hindi tunay na mga pangalan ang mga ginamit dito, kundi mga pseudonyms lamang. Ngunit may koneksyon ang pangalan sa kanilang "stage name" sa bar.


GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com
twitter: @gbgoer



Photo credits: http://

24 comments:

  1. ganito gusto kong kwentuhan..haha nabitin ako! haha.

    ReplyDelete
  2. tnong ko lang (na naman)..ano ang konek ng dreamboy sa night-men?? hehehe! kasi pag gabi nananaginip ng lalake???mmmmm... naranasan ko na rin sa br ng yan na pag dmidilim magkalapat ang labi.pagliwanag.hiwalay agad!!mr globe..clue!! pag kaksi blind item pa??!! lol!! i enjoy reading your blog..dalasan mo sana ang pagpopost..demanding...hehehe !! more power!!!

    ReplyDelete
  3. Hi Kamote Explain ko pa? Haha. Wag na. Naku, ang Mr. Globe, madali lang isipin. Malapit sa scout rotonda. salamat.

    ReplyDelete
  4. hala... haha saan ba ang bar na ito? hehe

    ReplyDelete
  5. kamote,
    ung Mr. Globe e kinuha sa name ng bar na ito na hindi nman kabilang sa solar system pero pilit nagpapanggap na "planeta".tama ba ako GBG??? hehe! :-)

    men_wisher@yahoo.com

    ReplyDelete
  6. Hi men_wisher, actually hindi. It's Mr. World bar. Nasa Timog area. As in right in front of scout rotonda. newly opened bar. on top of the chowking in that area.

    ReplyDelete
  7. o ayan out na ang name. hehe!layu pala naman kz nyan... :-)

    men_wisher@yahoo.com

    ReplyDelete
  8. may bagong gay bar??? sayang..malayo ako sa maynila, ang balak kong puntahan paluwas ko ay ang solutions bar,,last week pa ng oct..sama ka?? hehehehe!!!may nabasa akong post.aside dito .ok daw ang show..lalo na siguro ang halloween presentation nila..i really enjoy reading your blog kasi aside from your post..may interaction ka pa sa mga readers mo..para kang yung isa ko pang fave ..si ms chuniverse..aliw ako dun..more power!!!

    ReplyDelete
  9. simply manila ang nagkwento bout solutions

    ReplyDelete
  10. hi may bagong gay sa malate ang name niya cruizin manila sosyal ang place libre entrance kasi 2weeks pa lang
    lahat ng mga lalaki sa valentine nandun ang daming gwapo
    at pag umorder kayo ng beer isa lang hindi tulad ng iba na dalawang beer agad
    350 ang table dito try niyo

    ReplyDelete
  11. cruizin is located sa bocobo near mini stop malapit sa nakpil

    ReplyDelete
  12. Hi anonymous balita ko 8 lalaki pa lang ang nasa cruizin. tsaka puro hosto / model lang daw dun, hindi mga dancers.

    ReplyDelete
  13. 10 na dancers nila madami nga model

    ReplyDelete
  14. sarado na pala ang dreamguys sa malate yun iba daw naglipatan sa cruizin manila sa bocobo

    ReplyDelete
  15. by the way 10 dancers na pala meron dun at 15 models madami last saturday galing ako dun ang dami na guest lahat ng guys nakatable

    ReplyDelete
  16. open pa pala ang dreamguys nilipat lang sa bocobo sa forbest grill nirerenovate kasi yun dating place

    ReplyDelete
  17. hi G.B. i like reading your blog as well as the theunscratchableitch.wordpress.com. i hope you will include my blog in your blog list.

    ReplyDelete
  18. hi G.B. i love reading your blog. i hope you'll include my blog in your blog list

    lovebloglovebug.wordpress.com

    ReplyDelete
  19. ung nightmen ba na bar ay hotmen? medyo malayo naman kasi kung emotion hunks or dreamsboys hehehe... yan 3 bar na lang kasi ang natitira sa cubao area ngaun...

    ReplyDelete
  20. pa add din aq ng blog q sa blog list mo :) http://ladhound.blogspot.com/ thank you :)
    na add ko na blog mo sa bloglist ko hehehe... :)

    ReplyDelete
  21. may dyowa ako na macho dancer gusto ko na siya patigilin
    ano mapapayo niyo magkano allowance dapat ibigay ko once a week advice naman

    ReplyDelete
  22. Hi Francis Yup, I check your blog often. Sure, I will add your blog. =)

    And to answer your question, nope, hindi hotmen yun. yung isa mo pang nabanggit. konektado naman ang mga panaginip sa gabi, diba? hehe.

    ReplyDelete

Feel free to share what you think