Isang Sabado ng gabi, nagpunta ako sa isang gay bar sa Aurora, na itatago ko sa pangalang Night-men*. Kilala itong bar dahil sa dami ng lantarang notes na pinapakita rito sa loob, at lalo na ng malayang paghawak ng customer sa mga notes ng lalaki. Padaan ako sa bar, at naisipang magpunta, kahit sandali lang.
Pagkatapos ng dalawang bote, paglabas ko ng bar, niyaya ako ng inupo kong macho dancer na si Archie* na kumain ng agahan bago kami magsiuwian.
Archie (short for Archuleta): Antayin mo ako sa labas. Bibihis lang ako. Kain tayo ha.
GBG: Okay. Sa kotse mo na ako puntahan. (Sa loob-loob ko: Akala ko ang usapan natin may iba tayong gagawin, at hindi ang pagkain ng agahan?)
Archie (pagkalabas at bihis na): Sama natin si Nicos* ha.
GBG: Ahhh....
GBG: Ahhh....
At sa likod ni Archie, lumabas si Nicos, na nakabihis na rin ng pang-uwi. Si Nicos naman ang inupo ko sa bar na yun noong nakaraang araw, bago si Archie. Tulad ng gabing yun, hindi rin ako nagtagal sa bar. Dalawang drinks lang. Sa lahat ng dancer sa bar na yun, si Nicos lang ang natipuhan ko. Ngunit, noong pagbalik ko noong Sabado, mas marami nang dancer ang pumasok. At doon ko nakitang may mga mas okay pa pala kay Nicos. Kaya si Archie ang inupo ko.
GBG: Okay sige. (Sa loob-loob ko: Akala ko tayong dalawa lang? Ano kaya magagawa nating tatlo? Di ako ready mag-tatluhan... ie. threesome. Ah. Siguro, kaya mo rin siya isinama no? Para chaperone na hindi lang tayong dalawa sa kotse, at hindi mangyari yung tinutukso at binubulong mo sakin kanina...)