Thursday, November 17, 2011

Interview with a Macho Dancer: Behind The Scenes

Urgent daw, ayon sa paksa ng kanyang email. Akala ko kung ano ang ninais ni Jofti, isang freelance writer, sa kanyang pabor. Kailangan daw niya mag-interview ng isang macho dancer, para sa isusulat nya sa isang online magazine. Tinanong din niya kung may kakilala rin daw akong contacts na maaaring ipasa sa kanya. 

Natawa naman ako dahil ako talaga ang naisip nyang lapitan para humingi ng tulong. Bugaw ba ng MD? Haha. Ngunit, pumayag naman akong tulungan siya. 

Reply ko sa kanya: "Sige, samahan pa kita." Kung magpapasa lang ako sa kanya ng random contact at address ng bar para puntahan nya, natakot naman ako kung saang lumalop ng Maynila siya mapadpad, bilang isang babaeng hindi pa nakakapasok sa isang gay bar. Saka para rin maging komportable ang macho dancer na ibahagi ang kwento sa isang hindi nya kilala. 

Ang tanong, sino naman ang maaari niyang interview-hin? 


Una kong naisip si Russell, dahil sa dami na rin ng kanyang karanasan sa bar. Dahil makwento rin siya, siguradong maraming maisusulat si Jofti. Kaso hindi nagtugma ang aming mga schedule, kaya't humanap ako ng panibago. 

Naisip ko rin si Gomez, kaso nga lang hindi ganoon katagal ang karanasan nya sa bar. Malaki ang tiwala ko sa kanyang kwentong totoo ang kanyang ibabahagi, at hindi bola lang. Noong natanong ko naman siya, nagulat ako na pumayag siyang magpa-interview ngunit sa bar na lang daw niya kami magkita.

Nakakatawa lang na para maging bukas sa loob nilang magpa-interview, kailangan kong sabihin na 1) hindi lalabas ang tunay nilang pangalan, at 2) may kasama namang "tip" bilang pasasalamat. Win-win situation, ika nga. Makukuha ni Jofti ang kailangan niya para sa artikulo, at may makukuha rin ang macho dancer na kapalit. Pati ako, at least, may rason para makakita ng lalaki. 

Noong sumang-ayon na si Gomez, agad kong tinext si Jofti. Game. Ilang oras pagkatapos, nagkita na kami noong gabing yun. Habang kumakain ng hapunan bago pumasok sa bar, nagbigay muna ako ng briefing -- tungkol sa bar, magkano mga drinks, mga policies sa loob, anu-ano ang maaaring asahan sa loob, background ni Gomez, etc. Ngunit hindi lahat ng impormasyon ay binigay ko. Interview ito ng isang macho dancer, at hindi ng isang gay bar goer or gay bar blogger (how I wished). Tsaka gusto ko rin na siya mismo ang makatuklas ng mga pangyayari sa buhay ng isang macho dancer sa isang gay bar. 

Napag-usapan naming si Gomez ay uupo sa tabi niya, at ako naman sa gilid ay manonood lang ng mga sumasayaw. Pagkatawag sa macho dancer na siyang pakay namin at pagkaupo pa lang niya, ayun diretso na sila agad sa Q&A.  Mukhang naging masinsinan ang usapan nila, na parang nagkaroon sila ng sariling mundo. Interview talaga kung interview. At ako, ayun, nag-iisa sa tabi. Kaya't naisipan ko na lamang na kumuha ng katabi. Pagkakataon ko na ring makilala yung bagong pasok na kahawig ni Remington ng Zombadings. 

Humigit kumulang na 1.5 oras kami sa bar.  Tatlong MD drinks plus entrance ang binayaran lahat-lahat -- hindi kasing-mahal ng mga kadalasang pag-bar naming magkakaibigan, ngunit magastos para makakuha ng research para sa isang artikulo. Dahil may mga pasok kami kinabukasan, umalis na rin kami noong mag-aalas dose. 

Noong pauwi, tinanong ko si Jofti kung nakuha niya lahat ng kailangan niyang malaman. Tamang-tama lang at hindi naman daw siya nabitin. Si Gomez lang siguro ang nabitin dahil marami pa raw siyang nais ikwento. Wala pa sya sigurong naging customer na talagang naging interesado sa buhay niya bilang isang macho dancer.

Basahin ang resulta ng interview sa http://www.thepoc.net. "Ang Buhay ng Isang Macho Dancer: Part 1, Part 2." (Hanapin ang special mention kay GB Goer at ang blog bilang resource ni Jofti). 



GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com
twitter: @gbgoer



Photo credits: Screen grab from 
http://www.thepoc.net/thepoc-features/buhay-pinoy/buhay-pinoy-features/14012-ang-buhay-ng-isang-macho-dancer-unang-bahagi.html

13 comments:

  1. sabi nila malaki na tip 500-1000

    ReplyDelete
  2. @anonymous depends sa bar i guess. there are some bars which are known to give tips in that range.

    ReplyDelete
  3. ay mahal na tip yan!!!! Kapag marami nang MD drinks wag na ganun kalaki ang tip.... and it depedns kung what ang narating ng pag-table u sa guy... wehehehehe!!!! :-)

    ReplyDelete
  4. ay wait GBG dun sa write-up ni Jofti wala tau sa classification ng MDB goers.... D nman tau super young na beckis na pumupunta sa bar, d din Koreanas at lalung hindi regal queens or golden gays... dapat dagdagan un ng mga gays na at their 20's to late 30's na ayaw magpunta sa mga gay-friendly bar kz pro kaplastikan dun :-) suggestion lang naman...

    ReplyDelete
  5. yes 500-1000 ok na tip
    minsan nga wala pa tip

    ReplyDelete
  6. @Men_wisher di na ata pwede i-edit yung article nya. pero tama ka on the late 20s to early 30s na ayaw magpunta sa gay-friendly clubs. hahaha! kaplastikan! love it!

    ReplyDelete
  7. how much ba dapat ang tip?

    ReplyDelete
  8. jos koh, hindi pa ba enough yung macho drinks? i know, commission lang sila dun pero kung 6-12 bottles na nabili mo, malupet yata na ask (di nga lang expect, demand pa) sila ng minimum tip of 500!!! lalo na kung regular guest ka naman nila. sa smaller bars, bilhan mo ng 2 drinks at tip of 100-200, masaya na sila. appreciate na! (of course, good lang yan for mga 1 hr or so). at ito yung may mga face, proud bird, at touchy-feely boys ha! kaya magtigil yang mga pa-presyo na m.d. avoid them like the plague, esp yung may mga drama pa na pa-sexy lang daw sila pero hind pa-booking. hooooy, kahit takpan mo yang maliit na ano mo ng kamay mo, hubo't-hubad ka pa rin sa stage ano. at nagpapalibog ka pa rin ng mga tao!

    ReplyDelete
  9. kaloka ang comments ni anonymous... wahahahaha!!!! I alo prefer those smaller bars. Mas feel ko ang realidad ng life :-D

    ReplyDelete
  10. malaki na daw 500-1000 na tip
    pag babae daw nag table hindi daw nagbibigay ng tip
    madaming macho dncers ang may attitude mahahangin

    ReplyDelete
  11. makapal mukha ng mga macho dancer pag ang bakla nanonood lang ng show tawag nila buraot at taga tanawan lagi naman silang nganga

    ReplyDelete
  12. tax-free pa yong income ng MD's!

    ReplyDelete

Feel free to share what you think