Matagal na kaming sinasabihan ng ilang mga kaibigan naming nagtatrabaho sa gay bar. Mag-ingat daw kami. "Huwag ka maghanap ng relasyon dito. Dapat enjoy lang," ang ilang beses na nilang sinabi.
Noong sinabi yun ni "Minnie"*, isang gay impersonator ng bar, hindi ko siya naintindihan noong una. Madalas na kaming mag-upo sa tabi namin ng mga macho dancer. Madalas na rin kaming lumabas kasama sila para makipag-date. Nag-eenjoy naman akong pinaliligiran ng mga boys, sabi ko sa kanya. Tinanong ko siya kung bakit.
"Syempre sa trabahong ito, kailangan nilang bilugin ang ulo ng mga customers," sabi niya.
Binibilog ang ulo. Translated, making your head round. O pinapaikot ang ulo sa mga kamay na parang bola o laruan. In short, binobola. May pa-sweet. Pa-kilig.
Ang hirap sa customer ng gay bar, hindi niya agad malalaman kung ang mga pampa-kilig na nasasabi ng kanyang MD sa kanya ay tunay o sadyang pambobola lamang.
For example, itong eksena sa gay bar -- si baklang customer naisip kumuha ng lalaki para iupo sa table. Napili niya si baguhan, batang-bata. Maputi, mga 21 anyos, katamtaman ang laki ng katawan, na hindi patpatin ngunit hindi rin maskulado. "Leto"* (pronounced "Lito", parang bokalista ng isang bandang out of this world) ang pangalan niya, kagwapuhan naman, kahit na may kaunting hawig sa isang mestizong binatang artista na lumalabas sa "Walang Tulugan", si PJ.
Pagkaupo pa lang ni Leto sa tabi ni customer, at pagkatapos bigyan ng MD drink, inakbayan na agad ng MD ang katabi. Kinausap kaunti ala getting to know you. Pangiti-ngiti si lalaki kay bakla, kasi alam niyang yun ang nag asset nya kaya siya inupo.
Nang maging komportable si customer, pinasandal ni Leto ang customer sa kanyang katawan. Pagkasandal, niyakap na ni Leto si bakla. Habang nanonood ng mga sumasayaw, binulungan ni Leto ang bakla sa tenga, "Alam mo, gusto kita, kasi naalala ko sayo yung best friend ko." Nginitian lang ni bakla. Niyaya ni MD na magkita sila minsan sa labas para kumain. Masaya naman daw kasi siyang kasama. Usap pa silang kaunti. Magpalitan daw sila ng cellphone number para mag-text-an.
Nang tinanong ng waiter kay customer kung mag-order pa ng isang MD drink para sa lalaki, tinanong ni customer kung nakailan nang drink ang lalaki. Pang-apat na. Hindi napansin ni bakla, higit isang oras na ang lumipas, katabi ang lalaking mabilis kumilos, mabilis ding uminom, at makakakuha ng komisyon at tip sa gabing iyon.
"Kaya mag-ingat ka lagi sa mga sinasabi nila sa iyo," sabi ni Minnie sa akin. "Hindi lahat ng sinasabi totoo. Mahirap nang malaman sa trabahong ito kung sino ang nagiging totoo o hindi."
E paano kung mag-text na ang macho dancer ng "Lov u"?
*Hindi nila tunay na pangalan, ngunit may koneksyon sa kanilang stage name sa bar.
Photo credits: http://www.imagestate.com/Preview/PreviewPage.aspx?id=245218&licenseType=RF&from=search&back=245218&orntn=2
GB Goer
Learn more: Lessons from Gay Bars in Manila
http://machosandhostos.blogspot.com/
email: char.affairs@gmail.com
wag naman po ganon....ako virgin gay bar goer...on my first night, i met him, hes kind, understanding, malambing as in overall ok, though im still pesimistic about them, as the night goes on ok naman sya...hanggang sa naging kami, days/months/years 3 years din kaming naging lovers, wala kaming naging problema, basta sinabi ko sa sarili ko md sya, at ganun din ang pinamukha nya sa akin, walang selosan, di nya ako penerahan, he gave me the respect na di ko inaakala na sa ganong klaseng lalake ko makukuha, if ever i buy him things alam nyang di ako mayaman, kaya tama lang naiibibigay ko sa kanya at di ako nag hahangad ng kapalit dahil pag mahal mu, mahal mu. we go out pag may time sya, he always text me or calls me just to know kung kamusta na ako, typical mag syota. ang nagustuhan ko sa kanya may paninindigan sya, di sya nagpapabahay (except sa akin) di po kasi ako mayaman at maswerte ako at sya ang naka table ko nung unang araw ko. gustuhin ko man patigilin sya sa trabaha nya kaso di ko kayang tustusan ang pangangailangan nya para sa pamilya nya (proven ko na po iyon dahil ipinakilala na nya ako sa kanila). tao po sila, tunay na tao po sila na nag tratrabaho para sa pansariling pangangailangan at ng kanilang pamilya. maswerte nga talaga ako sa kanya dahil di ako napahamak o namurblema (except, nangarap na makasama ko sya habang buhay at maialis ko sya sa ganung trabaho kaso di ko kaya) maswerte po ako sa kanya... nag hiwalay kami dahil sa akin na rin, naging busy ako sa trabaho na pati ang pamilya ko ay nakalimutan ko na rin. sayang miss ko na sya, di ko na makontak cellphone nya at yung kanyang tinitirahan na kwarto ay bakante na rin sayang di nya ako nahintay, pero ako ang may kasalanan dito. pasensya na po hindi po lahat ay katulad ng iniisip nyo pero di ko rin maiiaalis sa inyo yun dahil kung babalik ako sa gay bar baka mag alinlangan ulit ako at baka makatagpo na ako ng isang stereotype na md na tulad ng sinasabi sa blog na ito....
ReplyDeletehi anonymous. yup, hindi naman lahat ng md ganun. depende sa md kung paano niya itatrato ang customer -- kung bilang isang customer lamang or higit pa. marami na akong nakilalang md, at sa mga nakilala ko, meron talagang mga stereotype na binibilog lang ang ulo ng mga guest nila (dahil nga't parte na ng trabaho nila yun), at meron din nakilala ko na talaga bilang tao. tulad nga ng sabi mo, swertihan nga kung ang md na makikilala mo ay totoong tao o nambibilog lang ng ulo.
ReplyDeleteso kung basahin mo ang buong blog na ito, maingat ako na hindi puro stereotype ang maisulat ko. tao rin sila, kaya't mababasa mo rito ang iba't ibang aspeto ng kanilang pagkatao. nagkataon na sa blog post na ito, naisulat ko ang isang aspeto nila na kailangang pag-ingatan, lalo na sa mga customer na madaling mahulog ang loob sa kanila. =)
blogger was just obviously bitter because the bakla got to table the blogger's "dream" md in that gay bar the whole night! haha!
ReplyDeletehi anonymous. i think your comment was for another post of the blogger. but, anyway.
ReplyDeletesi Leto actually yung "dream" md ni blogger that night, yung mga dating "dream" mds ng blogger, either na-iupo na't hindi nagustuhan, o umalis na ng bar. nagkataon, ang "dream" md ay isa ring "nightmare" pala... so, "next!"...
and speaking of "dream" mds, funny that after pinabalik si Leto sa showroom, the next "dream" md that the blogger got was the true and ideal "dream" md.... hence, my succeeding posts about him.
and that's when I realized that "dream" mds can't be found just by simply looking at the line-up, the show room, or the all-cast.