Sunday, July 8, 2012

What's Sulit, Mama?

Humiga na ako sa maliit na kama sa ikalawang palapag ng massage parlor. Parang walang ibang customer dahil medyo tahimik. O siguro malakas lang ang background music mula sa speaker. Hindi spa, Zen-ish relaxing music ang tugtog. Love Radio ata, at isang 90s Tagalong love song ang pinapatugtog. Parang nasa gay bar lang din ako, ngunit sa gabing iyon, sa massage parlor o sha-sha ako nagdesisyong magpunta.

Inantay kong dumating ang napili kong si Andrew*. Sa walong sha-sha boys na available noong gabing yun, isa na siya sa mga papasa na sa aking standards, na binabaan ko na noong gabing iyon. Payat, moreno, 5"6', spikey hair. Pwede na nga ito, kumpara sa mga ilang mestizohing nauupo ko sa macho dancing gay bar. 

Nang pumasok siya sa maliit na silid, hininaan na niya ang ilaw. Hinubad niya ang t-shirt nyang saplot. Tinanggal ang sapatos at medyas. Binaba na ang pantalon. Lumuhod na siya sa paanan ko, habang ako'y nakadapa't nakapikit. Narinig ko na lang ang squirt-squirt ng bote ng cheap milky lotion sa kamay nya, at sinimulan na ang masahe.

(medyo NSFW ang susunod na kwento. slight lang.)